Huwag matakot sa pag-apply ng trabaho, kahit na sa palagay mo ay napakalaki nito para sa iyo. Dahil kailangan mong gawin ito. Mabuti ding magkaroon ng profile sa LinkedIn, maaaring sumulat at makipag-ugnayan sa iyo ng diretka ang mga recruiter. Ito ay talagang makapangyarihang tool.

Vjatšeslav Jertsalov, software engineer, Svedbank, Estonia, Tallin

 

Magprogram araw-araw.

Ivar Mägi, manager in Brackmann arbitrage. Estonia, Tallin

 

Magsumikap, at patuloy na pagbutihin ang iyong sarili. Patuloy na nagbabago ang larangan ng IT, kaya kailangan mong makasabay.

Erich Zelinski, Sound engineer in Gogeva Culture Center, Tallin Estonia

 

Karamihan ay hindi nakakatulong ang mga taon ng karanasan, sa halip ay kung gaano kabilis ang iyong pagkatuto.

Gabor Gyarmati, System Administrator in Kuhne Nagel IT, Estonia, Tallin

 

Magsanay lagi, hanapin ang mga tao nasa parehong linya ng trabaho at tanungin sila kung paano nila ito ginagawa, magsaliksik sa internet. Gumugol ng maraming oras para sa pagsasanay.

Raimonds Bortascenoks, IT Support in Sapiens, Latvia, Riga

 

Tingnan ang kasalukuyang trends at simulang aralin ang mga pinkabago at pinaka-nagte-trend na teknolohiya. Sundan ang trend.

Mārtiņš Gegernieks, front-end developer in Evolution gaming, Latvia, Riga

 

Subukan ang pag-abot sa iyong mga kaibigan na mayroong karanasan sa IT, upang maunawaan ang ilang wika ng negosyo o jargons sa IT na madaling gamiting pagdating sa mga panayam at sa aktwal na posisyon kung saan ka nagtatrabaho.

Pēteris Spura, Software tester in ZZ Dats SIA, Latvia, Riga

 

Obserbahan ang mga internship. Huwag matakot na magtanong sa mga kumpanya, kahit na wala silang bukas na posisyon. Nangyari ito sa akin at nakakuha ako ng trabaho. Maging aktibo sa LinkedIn at gumamit ng iba pang mga website sa paghahanap ng trabaho. Magbasa tungkol sa programming, dahil ito ay patuloy na nagbabago.

Alo Nelis, Software developer in Bitbank, Tallin, Estonia

 

Hindi ka lang dapat tumutok sa paghahanap ng trabaho sa mga posisyon patungkol sa Java. Huwag matakot na mag-apply para sa mga posisyon ng ibang mga wika. Napakadali na magpalit mula sa isang wika patungo sa isa pa kung alam mo na ang mga pangunahing kaalaman sa programming sa ibang wika.

Aldis Avotiņš, Junior ruby on reils developer in Tieto, Riga, Latvia

 

Kinakailangan gawing puhunan ang iyong libreng oras upang mag-program. Kailangan mong gumawa ng ilang proyekto o gawain nang mag-isa. Ang mga matagumpay na nagtapos ay laging nagtatrabaho nang labis sa bahay.

Guntis Leimants, Junior Java Developer in Prove IT, Riga, Latvia

 

Huwag matakot, maging matapang at matututo ka habang tinatahak mo ang daan patungo sa iyong bagong karera. Napakahalaga ng iyong pagganyak o motivation.

Sindija Roga, Junior java developer in Arvato systems Latvia, Riga, Latvia

 

Ang isang bootcamp ay napakagandang pagkakataon upang magsimula ng isang karera sa IT. Tanungin ang mga trainer, kung may alam sila tungkol dito. Minsan ang mga kumpanya ay nagsasaayos ng mga ganito. Ito ay mainam na piliin, pero hindi lamang ito ang pinagpipiliin siyempre.

Mihails Frolenkovs, Test automation intern in Accenture, Riga, Latvia