Makakatanggap ka ng suporta habang nag-aaral at pagkatapos ng kurso

HR Class

Ang mga klase sa HR ay mga praktikal na pagsasanay kung saan maagiging pamilyar ka sa proseso ng pangangalap o recruitment at tutulungan ka naming maghanda para dito. Matututunan mo:
ano ang mga posibleng landas sa karera na pwedeng tahakin pagkatapos ng kurso,
kung paano maghanda ng isang nakakaakit, makapukaw interes na resume para sa mga posisyon at trabaho sa IT,
kung paano pag-aralan ang mga alok sa trabaho at paggamit ng mga keyword,
Ang dahilan kung bakit ang pagpapabuti ng iyong profile sa LinkedIn at pagbuo ng iyong network ay makakatulong sa iyo upang mas maraming makapansin at maghangad na mga recruiter sa iyo,
kung paano maghanda para sa isang soft skill interview at panteknikal na bahagi ng pakikipanayam,
ano ang gagawin kung walang tumugon sa iyong aplikasyon.

Mga Kagamitang Kaugnay sa IT

Ibibigay namin sa iyo ang aming Whitepaper na may mahahalagang impormasyon sa industriya ng IT, proseso ng pangangalap or recruitment at marami pang iba. Nagbabahagi rin kami ng kaalaman tungkol sa mga balita sa IT sa aming blog.

Panayam sa IT / IT interview

Nauunawaan namin kung gaano kahalaga na maging ganap na handa para sa iyong unang panayam sa IT. Parehong sa mga katanungan sa teknikal at soft skills. Sa aming Akademya, nagbibigay kami ng indibidwal na sesyon kasama ang isang tagapagsanay upang muling likhain ang kapaligiran ng isang pakikipanayam, gawin itong hindi gaanong mabigat at bawasan ang hindi katiyak ng proseso. Pagkatapos tugunan ang bawat mag-aaral ay makakatanggap ang mga ito ng puna mula sa tagapagsanay kung ano ang dapat mapabuti bago ang susunod na pakikipanayam.

Suporta mula sa Graduate Success Manager

Ang Graduate Success manager ay isang tagapayo na nariyan upang suportahan ka sa buong proseso. Sa loob ng Program, makakatanggap ka mula sa amin ng mga payo patungkol sa iyong karera, kung saan:
makakatanggap ka ng modernong template ng CV at mga tip kung paano lumikha ng propesyonal na resume,
susuriin namin ang iyong profile sa LinkedIn at ipapaalam namin kung saan ang mga lugar para sa pagpapabuti,
ibahagi sa iyo ang mga praktikal na tip sa kung paano mahanap ang iyong unang trabaho sa IT,
makakatanggap ka ng isang listahan ng mga kumpanya ng IT mula sa iyong lungsod, kung saan maaari mong suriin ang mga bukas na posisyon at mga internship na maaring makalutas sa lahat ng mga pagdududa na konektado sa IT labor market.

Mga rekomendasyon para sa kaunlaran

Pagkatapos ng kurso makakatanggap ka ng mga rekomendasyon mula sa mga tagapagsanay na may paglalarawan ng iyong mahusay na mga katangian, na maaari mong magpabuti ng iyong CV. Ituturo din ng mga tagasanay ang mga elemento na dapat mong pagbutihin upang maihanda ng mas maigi ang sarili sa pagsisimula ng trabaho sa IT

Palawakin ang iyong kaalaman

Tutustusan ka rin namin ng mga pinakabagong balita sa IT. Para maging updated sa mga bagong kalakaran o trend, paunlarin ang iyong kaalaman tungkol sa industriya ng IT, basahin ang tungkol sa paghahanda ng iyong sarili para sa proseso ng pangangalap. Basahin ang aming blog.

Maaari mo ring makita kung ano ang mga rekomendasyon ng mga bihasang empleyado sa IT. Tignan ang mga ito

SUMALI SA LIBRENG PAGPUPULONG PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON SA AMING MGA KURSO

Mag-book ng upuan sa isa sa aming libreng pagpupulong para sa karagdagang impormasyon sa iyong lungsod! Pumunta doon at makakuha ng natatanging diskwento bilang isang kalahok;)

Mga Nakapagtapos sa SDA ay nagtatrabaho sa:

Barbara Ciach
Career Advisor

[email protected]
+48 795 900 514

Sa pamamagitan ng pagpunan sa form na ito, nagbibigay ka ng pahintulot sa pagproseso ng iyong personal na data at upang makipag-ugnayan kami sa iyo sa paglalaan ng isang kursong pangteknolohiya na interesado ka (buong nilalaman ng information clause)

Kung nais mong makatanggap ng impormasyon na makakatulong sa iyo na paunlarin ang iyong karera sa IT, tulad ng impormasyon sa iba pang mga kurso, promosyon, mga kaganapan sa industriya, mga alok na trabaho, traineeship at internship, atbp., Sa mga detalye ng contact na ibinigay mo, lagyan ng tsek ang kahon sa ibaba:

* Mga kailangang punan