Turuan ang mga naghahangad na maging developer sa iyong lungsod at makakuha ng mga bagong kasanayan at gantimpala.

Ang mga campus ng SDA ay matatagpuan sa buong mundo. Ikaw ay nais naming maging isang Instructor sa isa sa mga ito. Kung ikaw ay isang may karanasan na bilang isang developer at may potensyal para sa pagtuturo - kung gayon, tugma ito!

Ang aming layunin ay tulungan ang mga tao na baguhin ang kanilang propesyon. Naniniwala kami na lahat ng tao ay maaaring maging programmer kapag nabigyan ng pagkakataon. Ang kailangan mo lang maging apasyonado sa mga palaisipan, lohikal na pag-iisip at katigasan ng ulo :) Sumali sa amin upang matulungan ang mga innovators sa hinaharap na ituloy ang kanilang pagpapalit ng karera.

SDA

Bakit mainam magturo sa SDA?

Sumali sa global na kumpanyang may malaking network ng mga may bihasang mga developer

Makakuha ng access sa pinakamahusay na mga materyales sa pagsasanay at magbigay input upang makalikha ng panibago

Ibahagi ang iyong kadalubhasaan at pagbutihin ang iyong mga kasanayan sa pamumuno at interpersonal

Paano ka namin gagantimpalaan?

Komunidad ng Mga Kapwa Tagapagsanay

Maging bahagi ng isang internasyonal na network ng mga tagapagsanay. Makipagpalitan ng kaalaman, karanasan at puna. Mas maging kapansin-pansin sa iba upang mapalawak ang saklaw ng iyong karera.

Paghahasa ng Kasanayan

Bilang isang tagapagsanay, hahasain mo ang iyong mga kasanayan sa pamumuno, ang kakayahan sa pagsasalita sa publiko at ang kakayahan sa pagtuturo. Bibigyan ka namin ng mga kinakailangang tool at patuloy kaming magbabahagi ng feedback.

Mas Malawak na Kaalaman

Maging isang espesyalista sa mas malawak na portfolio sa tulong ng aming mga online na materyal na maaring gamit ng kahit anumang oras naisin. Sanayin ang iyong mga kasanayan sa pamamahala at coaching.

Cool Workshops

Samantalahain at gamitin ang aming orihinal na workshops para sa mga trainer at tignan kung ano ang mabuting magagawa ng pagiging isang tagapagsanay sa iyong karera.

Flexible Schedule

Ikaw ang magpapasya kung ano at kailan ka magtuturo. Hindi kailangang talikuran ang iyong pang-araw-araw na trabaho. Sa aming mga mode na weekend at gabi maaari kang magturo sa ekstrang oras na kombenyente para sa iyo.

Ang pagtatrabaho bilang isang tagapagsanay sa SDA ay nakatulong sa akin na mapalakas ang aking soft skills - tulad ng pagsasalita sa publiko at pamamahala ng pangkat. Pinahahalagahan ko rin ang lahat ng mga kasamahang nakilala ko na positibo at eksperto sa linya ng trabaho na ito. Sa lahat ng pagkakataon, kapaki-pakinabang ang pagpapalawak ng propesyonal na network. Masasabi kong inirerekumenda ko ang pagtuturo sa SDA sa iba pang mga may karanasan bilang isang developer :)

Marek Bobcow

Software Engineer, SDA Trainer

Paano kami nanananggapan?

Mag-apply sa aming website o social media

Makipag-usap sa aming pangkat at sabihin sa amin ang tungkol sa iyong mga layunin at karanasan

Pag-usapan ang mga teknikal na detalye sa aming Senior Specialist

Maging isang Trainer at piliin ang mga paksa na nais mong ituro

Turuan ang buong klase, pukawin ang iba at tulungan silang ituloy ang kanilang pangarap na karera

Maging isang Trainer
Mag-apply na!

 

Sumali sa amin kung mayroon kang hindi bababa sa 2 taong karanasan bilang isang developer at mahusay na hanay ng soft skills: positibong pag-uugali, mahusay na mga kasanayan sa komunikasyon at empatiya. Dapat kang maging handa na magpatakbo ng mga klase sa weekend o gabi. Nagre-rekrut kami ngayon sa: Tirane